1st COVID-19 Case in Calasiao

RSS
Facebook
Twitter

Sa ginawang RT-PCR test ng siyudad ng Dagupan sa kanilang mga frontliners, lumabas na may labing-apat ang nagpositibo dito. Nakakalungkot isipin ito hindi lang dahil kalapit lang natin ang naturang siyudad at don ang kadalasang puntahan ng ating mga kababayan kundi isa sa mga nagpositibo ay kasalukuyang naninirahan at nangungupahan kasama ng kanyang asawa at mga anak sa isang barangay ng ating bayan.

Bagamat ang nasabing ngpositibo na isang ina ay ligitimong taga Dagupan, ang kanyan paninirahan sa Brgy. Bued ay nangangahulugan na meron na tayong isang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa ating bayan.

Ang nasabing frontliner na nagpositibo ay kasalukuyang nasa COVID19 Treatment Hospital ng Dagupan at kasalukuyang binabantayan ang kanyang kalagayan.

Naiulat na natin ang kaso sa ating local IATF-MEID at pinag-utos narin natin ang dagliang contact tracing sa mga posibling nakasalamuha niya sa nasabing barangay. Nilalatag na rin ng ating kapulisan ang mga susunod na hakbang upang maiwasan ang posibling pagkahawa ng ibang kalapit na residente sa lugar at sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay at ng ating RHU personnel mahigpit ang gagawing monitoring sa sa physical at medical na kondisyon ng mga nakasalamuha.

Sa gitna ng pangyayaring ito,hinihiling ko po na tayo ay maging mahinahon sapagkat ang ating lokal na pamahalaan kasama ang opisyal nito ay ginawa ang ating tungkulin para sa ating mga kababayan.

Upang masiguro ang ating kaligtasan ugalihin ang mga sumusunod:
-Laging magsuot ng face mask
-Social distancing
-Hand washing
-Proper personal hygiene
-Disinfection
-Palakasin ang resistensya
At higit sa lahat sama- sama tayong magdasal sa Panginoon upang malampasan natin ang pandimic na ito.

Maraming salamat po mga minamahal kong kababayan ..

~Mayor Joseph Armam C. Bauzon, MDRRMC Chairman

Related Articles

placeholder
World Teachers Day
placeholder
Teachers Orientation for National Child Development Center (NCDC)
placeholder
Family Day September 27, 2021