MAHALAGANG ANUNSYO:
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 2020-014 na inilabas ng Department of Transportation, inaabisuhan lahat ang mga commuters na magsuot ng FACE SHIELDS kapag sasakay sa anumang uri ng pampublikong transportasyon simula ika-15 ng Agosto, 2020.
Ayon sa mga health authorities, bukod sa pagsusuot ng face mask, ang pagsusuot din ng face shield ay isang epektibong paraan upang mapabagal ang paglaganap ng virus dulot ng CoViD-19.