Bagamat tayo ay humaharap sa matinding krisis dulot ng pandemya ng CoVid-19, kinilala at binigyang pugay ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang Pinablin Calasiao bilang isa sa mga Pamahalaang Lokal sa buong Pilipinas na nagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng sariling bayan. Ito ay matapos makapag sumite ng mga imbentaryong kultural para sa Philippine Registry on Cultural Property (PRECUP) alinsunod sa Batas Republika Blg. 10066 o ang National Cultural Heritage Act of 2009.
Matatandaang nagsagawa ng pagkalap ng impormasyon at pananaliksik ang Lokal na Pamahalaan ng Calasiao ng kabuuang kabilin (heritage) at kasaysayan (history) sa pamamagitan ng Cultural Mapping Project sa tulong ng NCCA at ng Center for Pangasinan Studies (CPS).