Mga Magsasaka ng Pangasinan, Nakatanggap ng P274.6-Milyon Halagang Makinarya

RSS
Facebook
Twitter
Mga magsasaka ng Pangasinan, nakatanggap ng P274.6-milyon halagang makinarya
Pinangunahan ni Gobernador Amado I. Espino III kasama ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHILMECH) ang pamamahagi ng mahigit P274.6-milyon halagang makinaryang pang-agrikultura sa mga Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) ng Pangasinan ngayong araw, February 19 sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC).
Bahagi ito ng farm mechanization project sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na naglalayong suportahan ang mga magsasaka upang mas lalong mapalago at mapaganda ang kanilang ani.
Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat si Gob. Espino sa national government sa mga biyayang natanggap ng mga magsasaka ng lalawigan kung saan ibinilin din nya sa mga magsasaka na alagaan ang kanilang makinarya bilang sukli sa suporta ng gobyerno.
Hiling naman ni PHILMECH Facility Management and Field Operations Division Chief Joel V. Dator sa mga magsasaka na patuloy na magsikap at bigyan ng halaga ang makinaryang ipinagkaloob sa kanila, habang makaaasa sila sa patuloy ng suporta ng national government.
Kabilang sa mga ipinamahagi ang mga sumusunod: four-wheel tractor (114 units), hand tractor (115 units), precision seeder (2 units), walk-behind rice transplanter (3 units), riding type rice transplanter(1 units), rice combine harvester (48 units), mobile rice mill (6 units), at mini thresher (6 units).
Kasama ni Gob. Espino si Vice Governor Mark Ronald DG. Lambino, Board Member Liberato Z. Villegas (Sangguniang Panlalawigan Committee Chair on Agriculture), PHILMECH Facility Management and Field Operations Division Chief Joel V. Dator, DA-RFO1 OIC Regional Executive Director Nestor D. Domenden, Provincial Agriculturist Dalisay Moya, at Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla.
/Diane A. Tinambacan (Photos by Meinard Sadim, Neiza Ferrer and Joeniel Bibat)

Related Articles

placeholder
World Teachers Day
placeholder
Teachers Orientation for National Child Development Center (NCDC)
placeholder
Family Day September 27, 2021