Kasado na ang kahandaan ng mga Calasiao Child Development Workers sa
muling pagbubukas ng klase para sa mga learners sa taong 2021-2022.
Ang nasabing programa ay sinundan agad ng pamamahagi ng Learning Modules para sa mga enrolled na Day Care Learners. Bukod dito, nakatanggap din ng libreng bitamina ang mga CDW’s upang maproteksyonan ang kanilang kalusugan laban sa sakit. Nanguna sa pamamahagi ng mga ito si Gng. Editha Gorospe, Municipal Social Welfare and Development Officer at si G. Ace Lorenze Jorgio, Early Childhood Care and Development Focal Person.
