Maagang nag ikot ang ating Mayor sa pamilihan ng Calasiao kasama ang mga Engineering Department at Market Supervisor upang makita ang kasalukuyang sitwasyon ng ating pamilihan. Ilan sa mga napuna ay pagbibigay ng agarang pansin sa sistema ng drainage, kalinisan at kaayusan sa pamilihan, at parking. Nag-atas ang ating mayor ng mga susunod pang hakbangin para sa mga pagsasaayos ng mga ito.
Muli ay nanawagan din siya sa mga nagtitinda at namimili na panatihin din ang kalinisan sa kapaligiran para din sa ating kalusugan at kaligtasan.